Nov 9 2009 alas 10 ng umaga lumipad ang eroplanong sinasakyan ko papuntang manila.First time kong sumakay ng eroplano at pumunta sa manila grabe ang kaba ng dibdib ko di ko alam ang gagawin but i stay calm and di nagpahalata.Pagdating ko ng NAIA mas lalo akong kinabahan wala pa yong ante ko na magsusundo sakin,tinawagan ko hindi ko na makontak,gtx ko na walang reply almost 2 hours akong naghintay sa airport tapos nakatanggap ako ng tx galing sa ante ko di daw sila makakasundo sakin dahil my emergency daw silang pinuntahan.Umiyak ako kasi bakit sila ganon di ko pa alam ang lugar tapos ganon pa sasabihin nila na 3 days before inform ko na sila na pupunta ako manila and ok naman usapan namin.Buti nalang my nakilala ako tagagensan din inaantay niya sundo niya nakisabay nalang ako and nagpaturo saan yong papuntang SM fairview kc malapit lang bahay ng ante ko doon sa awa ng diyos nakarating din ako sa bahay ng ante ko for almost 3 hours na byahe..grabe ang laki na kaibahan ng gensan sa manila,naghahabulan ang mga sasakyan dito at napakadaming tao pero inisip ko kailangan kung ipagpatuloy to kc andito na ako and dapat maging matapang ako.At first naghanap ako ng trabaho pumunta ako sa mga companya na nasa listahan ko nong doon pa ako sa gensan,sa awa ng diyos natanggap ako sa trabaho as IT SUPPORT STAFF sa isa sa malaking kompanya dito sa manila after ko ngpaboracay with my bestfriend.Ito ngaun ung apartment na tinitirhan ko na malapit sa office independent na ako kumbaga kc sariling kayod ko na pinakakain ko sa sarili ko at ang pambayad sa apartment which 2 thou per month included na lahat so ok narin..
MY BED...